Miyerkules, Marso 9, 2016

Nationalismo

Maraming paraan upang maipakita mo ang iyong nasyonalismo. Isa sa mga ito ay ang pagbili ng lokal na produkto kaysa sa imported na produkto. Sa pamamagitan nito, matutulungan natin ang ating bansa at mapapaunlad ito. Kung marami tayong mga Pilipino ang bumibili ng mga produkto natin ay baka maging sikat din ito sa ibang bansa at mayroong na tayong mae-export sa kanila, maliban sa mga OFW’s. Ang lahat ng ito ay mangyayari kung tayong mga Pilipino, na mismong nagmamay-ari ng mga produktong ito, ay ang unang mag-udyok sa kanila na bumili nito, dahil sa ganda at sa kalidad nito. Hindi dapat tayo nagpapatalo sa mga produktong galing sa ibang bansa dahil tayong mga Pilipino din naman ang matatalo dahil mas lalago ang ekonomiya ng ibang bansa dahil inuudyok natin sila sa pamamagitan ng pagbili ng mga produktong galing sa kanilang bansa.



              Ang nasyonalismo ay unti-unti nang nawawala sa Pilipinas ngayon. Isang halimbawa nito ay ang Pambansang awit natin. Ilan na ng mga Pilipino ay hindi kabisado ang lyrics nito. May iba pa nga na nakalimutan na ang karamihan ng lyrics nito. Meron din sa ibang eskwelahan na tuwing Flag Ceremony, kapag tumutugtog ang Pambansang awit ay hindi tumatayo ng maayos ang mga kabataang Pilipino, lalo na ang mga teenagers, at hindi nila kinakanta ang pambansang awit. Hindi sila tumitingin sa bandila natin habang pinapataas ito.Parang hindi na nila nirerespeto and bansa natin dahil sa ginagawa nilang iyon. Mahalin at tangkilikin kung anong sariling atin para sa isasagana ng ating bansa.            

              Gusto lang namin na mas respetuhin ng mga kabataang Pilipino ang bandila natin dahil nagrere-presenta ito sa bansa natin, ang Pilipinas. Ating saksihan at balikan para maipagmalaki ang mga naimbento natin na mga bagay. Matatalino din naman tayong mga Pilipino. Hindi dapat tayong magpatalo sa ibang bansa tungkol sa teknolohiya at mga imbensiyon.





                Ating saksihan ang kabayanihan ng ating mga magigiting na sundalo para lang maipaglaban ang kapayapaan ng ating bansa. Malalaman dito kung paano sila nag hihirap para lng protektahan tayong mga mamayanang Pilipino. Kaya dapat lng na maipag malaki sila sapagkat isa silang bayani na kayang isakripisyo ang sariling buhay para sa kanilang lupang sinilangan.




                      Full video: https://www.youtube.com/watch?v=EKqO8tumA38

                   
                     Ngunit kahit ano pang mga kamangha-manghang mga bagay ang imbentuhin natin, kahit gaano pa tayo ka talentado o kahit gaano man karami ng mga resources natin ay nasa ibaba parin tayo dahil hindi binibigyan pansin ng gobyerno kung paano talaga mapapaunlad ang bansa natin. Mamulat sana sa katotohanan ang gobyerno at wag masayang ang mga pagsasakripisyo ng bawat Pilipino mapaunlad lang ang ating minamahal na bansa. Ang matagumpay na nationalismo ay magsisimula sayo at sa iba pang mga Pilipino.